Thursday, July 29, 2004

afterthoughts and candy bars...

Today i woke up feeling a little bit lazy
The sky is dim.
The road is full of passersby and cars from here to there.
My head  is spinning and my emotions are high.
all i know is  
how the world goes round and round
how he moves me

oh just an afterthought
munching me
one after the other
like candy bars you can't resist
 


Oh my..this is really super vague..haha...bear with it though! i'm not in the right frame of mind right now...
Jenna
29/07/04
 


Wednesday, July 28, 2004

CHANGING COLORS

swift as the wind
broken pieces of an old self
mirrored in the sharp edged sword
strucked her once
but wounded her a million times over
and that would be the end of it...

For you who gave everything to him..you'll be ok...
Jen
2004

Tuesday, July 27, 2004

because of the moon

 
Staring at that half-baked moon
Dumfounded by the beauty it exudes
Speechless by the light that it bore
Such a simple sight
Such a pure delight
Just watching the imperfection
Through my tear strained eyes
No such moment as this
Is equaled to a perfect bliss…

jenna
2004

Bukas na lang...

Nakita ko ang liwanag sa mga mata niya, hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng kakaibang lungkot sa aking loob. Pilit kong isinantabi ang nararamdaman sa kubli ng isang ngiting daig pa ang colgate komersiyal to save the world from cavities.  Ok lang, mas nanaisin ko pang itago na lang to kesa malaman niya.  Naisip ko tuloy marahil sa pagkakataong ito, dumating na nga ang pinakahihintay niyang sandali, ang kanyang ultimate dream come true?  Napagtanto ko ilang saglit lamang, teka teka…eh ano nga ba yun dream nitong mokong na to? Bakit kaya ang saya saya niya?   

Kung kaya’t lumapit ako sabay tanong, “Hoy bakit kakaiba yang mukha mo, parang di maipinta di ko malaman kung natatae ka ba o ano, ano bang meron?� (sabay ngiting plastic na naman ako..na parang may camera sa harapan ko)

Walang anu-ano’t sinagot niya ang aking tanong sa pamamagitan ng isang yakap. Mahigpit ito at tila ayaw na niya akong pakawalan.  Nagulat naman ako at niyakap din sha. Sa isip isip ko ng saglit na iyon: “kasing sabihin..walangya talaga tong taong to mamatay na ako sa suspense at kaba pero ok lang yon…hay..ang bango naman niya (sigh)â€�

At kahit medyo hindi na nga ako makahinga ay tiniis ko na lamang, siyempre ayoko naman sirain ang momentum niya , isa pa memorable moment  ito na para bang pag nanood ka ng sine tapos ipapakita ang climax ng pelikula.   Yung bida yayakapin ang leading lady dahil sa natamong tagumpay.  Parang ganito yong moment  na ‘to.  Aba siyempre, ako ata ang leading lady!    

Sa tinagal tagal na naming magkaibigan, nitong mga huling araw ko lamang din napagtanto sa aking sarili kung gaano kalaki ang impluwensiya sa akin ng aming pagkakaibigan.  Nakita na ata ng nilalang na ito ang lahat lahat sa akin.  Lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng mga kaungasan ko, katangahan at samu’t saring karanasan sa buhay maliban sa isang bagay, bagay na tungkol sa kanya at sa aking sarili. At sa kabila ng lahat, ni minsan hindi ko nga rin naman nagawang sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.  Magtangka man ako, laging nanatili sa pagbabalak at pagtatangka. Laging nabibitin.  

Sabi ko kasi lagi sa aking sarili, “bukas na lang kaya..baka tawanan lang ako nito eh.â€�  Alam na alam ko sa aking sarili na labis akong magdaramdam kapag tinawanan niya ako kung kaya’t sa paglipas ng mga taon, kapag nagkakaroon ako ng pagkakataong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman ay “bukas na langâ€� ang parati kong sinasabi sa sarili.

Hindi ko alam bakit hindi ko magawa, sa tuwing ibubuka ko na ang aking mga bibig ay iba naman ang lumalabas na mga salita.  Hay naku, alam kong alam mo rin ang feeling ng ganito, yung parang may gusto kang sabihin na nasa dulo na ng dila mo tapos biglang iba yung lalabas.  Katulad ng isang lalaking magtatapat sa isang babaeng gusto niyang mapaibig, akala mo handang handa ng magdeklara ng tunay niyang nararamdaman pero ang lalabas sa bibig “oy kamusta ka na? kumain ka na? tara labas tayoâ€� Eh di balik na naman sa dati, iisipin ni babae na wala talagang gusto si lalaki sa kanya at talagang barkada lang sila.  Hanggang doon na lang yon wala ng iba.  Period.  Pagkatapos isang araw, dadaan si babae sa harap ni lalaki at ipapakilala ang kanyang bagong nobyo. Kakamay si lalaki sa nobyo ni babae na parang wala lang sa kanya.  Sabay pag-alis ng dalawa, mapapailing na lamang siya at sasabihing, “sana hindi ko na ipinagpabukas.â€�

Sa mga ganoong sitwasyon ako takot na takot baka dahil sa pagpapabukas ko..ganoon din ang mangyari kaya naman sa sasandaling mga yakap na yoon ay napagtanto ko agad na marahil ito na rin ang tamang oras upang sabihin sa kanya ang napakatagal ko ng nais sabihin.  Pakiramdam ko tuloy ay nagtatalo ang aking puso at isip. Para akong mababaliw. Hindi pwede sabi ni isip. Sige na live for the moment  pilit naman ni puso.  Ano ba talaga kuya? Siguro iisipin ng marami, “sus, ang dali dali lang sabihin ehâ€� yung iba naman makikiayon sa akin na kapag malalim na malalim ang nasasa-loob ng isang tao, tunay na mahirap itong maiparating sa pamamagitan ng mga salita.  At ito rin ay nagpapatotoo sa maraming bagay dito sa mundo, sabi nga nila mayroon lamang itim o puti walang kulay gray. 

Sa mahabang panahon alam kong nanatili ako sa gitna, sa kulay gray, sa aking comfort zone palibhasa isa akong duwag, takot sa maaring magbago sakaling malaman niya.  Oo na duwag na kung duwag, pero kung kayo rin naman ang nasa katayuan ko, hindi maiiwasang ipagpanalanging manatili ang mga bagay-bagay o mga tao sa buhay nyo at isiping hindi ito magbabago lalong lalo na kung itong mga ito ay nakapagpapasaya sa iyo.  Oo, alam ko rin mali itong ganitong pananaw, mamaya nyan dalihan mo pa ako ng linyang the only constant in this world is change. 

Alam ko naman yon eh. Darating ang panahon na kailangang magbago ang takbo ng buhay.  Hindi nga ba walang nananatili sa taas ng matagal, kung minsan nasa ibaba ka naman, kung minsan may pera kung minsan wala, at kung minsan malas ka minsan naman swerte. 

At sana nga itong minsang ito swerte ako kung sakaling sabihin ko.  Kung ano man yon na lumikha sa atin, saludo at bow ako sa kanya sa sobrang galing kung paano niyang nilikha ang napakakomplikadong nilalang tulad ng tao.  Para sa akin, mananatiling misteryo ang tao na kahit gaano man niya katagal pag-aralan ang sarili niya, pira-piraso lamang ang makikita at matutuklasan niya sa sarili. 

Ay teka teka, masyado ata akong nalibang.  Mabalik tayo sa dati kong kwento, ito na nga at hindi ko namalayan na binitawan na pala niya ako.  Nauna siyang magsalita, “meron akong good news, sobrang saya ko sobrang swerte ko pa!â€� (Naisip ko, naku sinuwerte daw siya…baka mamaya malasin ako…)

 â€œEh ano nga yon? Ikaw talaga pa-suspense pa!â€� sabay bulalas ko. 

“Kasi ganito yon, natatandaan mo si Lea? Yung kababata ko noon, diba lagi ko siyang kinukuwento sayo? Babalik na siya mula sa Amerika at dito na uli titira�

“Ah si Lea, O taaaapooosss asan ang swerte don???�…(titingnan ko siya ng kakaiba pagpapahiwatig na di ko talaga gets ang sinasabi niya)

“Tapos ngayon na siya dadating, papakilala kita.  Alam niyang ikaw ang besprend ko dito sa Pinas na lagi kong pinagmamalaki.â€�

“Ows? Ako pinagmamalaki mo? Di nga?� (Pabiro kong sabi pero sa loob-loob ko sasabog ata ako sa saya, di ko ata ito kaya, sa unang pagkakataon ay nabanggit niyang proud siya sa akin?)

“Oo naman! Ikaw talaga! Sabi ko pa nga kay lea magiging mabuting magkaibigan din kayo dahil kayo ang dalawang taong importante sa akin at hindi magbabago yon. Kaya swerte ako, makakasama ko kayo pareho.�

“Talaga lang ah, ang drama mo ha!â€� sabi ko.  (Pero wag ka, parang kinilig ako…medyo..konti lang…o sige na nga, todo kilig ang naramdaman ko.)

“Ito naman minsan lang ako magdrama, tanggapin mo na. Saka nga pala kung pwede ka mamaya sunduin natin si Lea.  Wala kasing susundo sa kanya eh, yung pamilya niya asa Amerika lahat tapos yun tita niya na dapat magsusundo eh may sakit. Kawawa naman yun pag walang sumundo eh di na ata sanay yon dito sa Pilipinas.â€�

“Uhh….o sige pwede siguro ako mamaya.  Teka bakit parang iba yata ang concern mo dito kay Lea, akala ko ba eh kababata mo lang to at wala ng iba?â€� (Siyempre mag-usisa ba daw na parang girlfriend..sana hindi niya mahalata ang selos sa tono ng boses ko.)

“Ano ka ba, oo nga matagal na yon bata pa kami non pero siyempre matalik na kaibigan ko pa rin naman si Lea, we’ve kept in touch even when she was in the states.�

“So wala kang kahit anong feelings sa kanya?� (Ano ba to…sobra na ang pagtatanong ko…makakahalata na to..)

“Feelings? Hindi ko naisip yan, di ko pa naman kasi siya uli nakakasama kaya mahirap sagutin.  Teka teka, eh bakit ba kanina ka pa tanong ng tanong, basta uuwi na si Lea at magiging magkakabarkada tayong tatlo.â€�

“Wala naman, curious lang to naman!� (Palusot pa ako kunwari pero talagang gusto ko lang malaman kung mayroon ba siyang gusto kay Lea…mukha namang wala kaya sige sasabihin ko na kaya?)

“So talagang desidido kang magkakasundo kami ni Lea ha�

“Oo naman, I’m sure magugustuhan mo yon!â€� (Sabay taas ng kilay ko...paano ko magugustuhan si Lea eh baka mamaya mawala ako sa eksena nito…pero siyempre, sa tanda na naming ito ayoko naman maging immature kaya hindi ko na lang hahayaan sirain ng feelings ko para sa kanya ang pagkakataong makilala itong si Lea.  Naku..if I know, kala nyo makitid utak ko noh? Hindi ah…bigyan natin ng chance si Lea tutal sabi niya wala silang relasyon o kaya feelings sa kanya)

“O sige basta sabi mo ok siya kasama ha!�

“Oo naman, ako pa, kelan ba ako sumablay?�

“Titingnan natin� (sabay ngiting may halong sarcasm)

“O basta mamaya magkita na lang tayo, daanan na lang kita sa bahay niyo.�

“O sige ba, pero teka lang ako rin may sasabihin sa’yo, kala mo ikaw lang ang may surprise..ako din noh!â€� (sa mga oras na ito, mabuti na lang at nakatago ang mga kamay ko sa bulsa ng aking pantalon dahil nanginginig  at nanlalamig ang mga ito sa kaba.  Eto na…final answer..sasabihin ko na)

“Ah talaga? O ano naman ang balita mo? Good news rin ba to?� (Tinitigan ko ang mukha niya na parang isang batang naghihintay ng isang surpresa…hindi ko tuloy malaman kung makakasama ba o makabubuti ang sasabihin ko sa kanya.)

“Ummm..siguro good news…�

 â€œO sige ano yon? Tingnan ngaâ€�

“Wag ka mabibigla ha, promise?�

“O bakit naman? Sige promise.�

Nilihis ko muna ang usapan.  Sabi ko, “oo nga pala, napansin mo ba hindi na uso ngayon yun swear kundi promise na ang sinasabi ngayon?â€�

Natawa kami pareho sa komento ko, kahit sa isang saglit nalimutan niyang may sasabihin ako. Pero hindi rin nagtagal, naalala na naman niya.

“Oy ano nga yun sasabihin mo, kaw talaga paligoy-ligoy ka pa!�

“Eh kasi ganito yon, nung isang araw nag-grocery si nanay tapos may pa-raffle, eh nalaman namin nanalo siya ng barkada trip to boracay.  Kaya tamang tama siguro pagdating ni Lea pwedeng tayo na lang ang gumamit non, tutal pareho tayong di pa nakakapunta don eh.â€� (in fairness, totoo naman talagang nanalo ang nanay ko sa raffle…ewan bakit nauna pa tong balitang to kaysa sa sasabihin ko tungkol sa feelings ko sa kanya)

“Aba! Ayos to ah, ang saya naman ng balitang yan, kaw talaga kala ko kung anong balita na yon, nung hindi mo pa sinasabi to kinabahan ako eh!� (sabay halakhak niya, ako naman tumawa rin…tawang di mapakali)

“O paano yan? Kita tayo mamaya ha, kelangan ko pa sunduin yung kapatid kong brat sa school niya eh.�

“ah ganon ba? Sige mamaya na langâ€� (sa loob-loob ko…ang talagang gusto kong sabihin “ah ganon ba? Sige  bukas na lang..bukas ko na lang sasabihin ang feelings ko para sayo…â€�

Dudugtungan ko na dapat yung sinabi kong balita tungkol sa raffle, pero naunsyami na naman, baka bukas may moment uli dumating sa aming dalawa. Anong malay ko di ba? Baka bukas suwertehin ako, baka nga doble swerte pa.

(ay oo nga pala, di lang feelings ang dapat kong sabihin, dapat sasabihin ko rin na ang gusto ko ay siya, at ang mga kauri niya..mga lalaki…kaya nga selos na selos ako kay Lea…naisip ko nga baka mamaya niyan maging matchmaker pa yon at ipagparehas kami ni Lea…aba ayoko nga, hindi kaya ng powers ko…pero bukas na lang din siguro, baka bukas makaipon ako ng mas maraming lakas ng loob…saka oy ha hindi kaya madaling sabihin sa besprend ko na isa akong bakla…bukas na lang uli…haay…better luck next time)   

(Para sa kaibigan kong si Renan) 

Jenna
2003

For those who gave up on love easily...

As cliche as it may sound, heartaches are there to make you stronger, wiser, and for you to be a better person.  The first few days after a break-up is always the hardest.  You never know where to start or how to go from there.  Every object, word, phrase, sound, that you see, hear, or feel might be a constant reminder of him.  and it hurts because it cuts down to the deepest part of your being.  Then there's the occasional crying bouts where you feel even worse after pouring it all out.  You go through a defense mechanism thinking that you're ok but you're really not because the truth is..you still love him after all.  You become insecure and you ask yourself, "is something wrong with me?" There really is no sure way or path when getting into a relationship.  You'll never really know what happens in the end if you don't start it at all.  So, you take the risk with innocence and wonder, putting all your defenses down, giving everything you've got because you think every feeling must be worth it.  Yet, you're now at a loss after the separation.  Like a traveler lost in a foreign land, you don't know how or where to go.  It's a good thing though that there are kind strangers or friends that you meet along the way.  They offer insights and knowledge on how you can start turning your life around again into a beautiful memory worth remembering.  Life is not just about pain and sorrow.  It's more about learning as well as creating colorful pictures of experiences good or bad.  You may not be feeling well now but you will later on.  Pain is something that you're bound to experience once in a while and before you know it, you've already moved on with your life and that dreaded memory of the boy you once loved will be just a faded picture from the past.  It will be just something that you can laugh about.  You have loved and you've been loved in return.  Nothing can ever replace that exchange of pristine sentiments.  He may be gone from your life but it doesn't stop there.  Others are still bound to come. They say that the circle of love is a vicious cycle because it may seem that you're always making the same mistakes again.  I say it's a magnificient circle to be able to extend your being to another.  Love is and always will be the greatest irony of all.  Even if you got hurt, felt pain or anger, admittedly, you also felt intense joy and happiness.  That's what makes it something unique and special.  Say farewell and good riddance but thank him for making you a better person.  You lost him but you gained more from seeing what life still has to offer.  Maybe you'll see him again or may be not, maybe he's still in your life but it doesn't really matter now.  Just keep on living, loving and learning because that's what this is all about.

jenna
2pm
2004